Nakakalungkot dahil wala ka na...
Hindi ko man lang naiintindihan kung ano ang kaguluhan sa aking kapaligiran noong dalawang decada ng lumipas, ngunit alam ko na ako ay saludo na sayo kahit ako'y isang batang wala pang alam.
Isipin mo inilayo sayo ang asawa mo pagkatapos na hinihintay mo sya na magkita kayo muli ay hindi na nangyari dahil wala na syang buhay. Ang hirap ipakita sa mga anak mo na malakas ka kahit sa loob ay durog na durog ka. Ang buong bayan sayo pa humugot ng lakas noong panahon ng diktaturya.
Naalala ko nang pinagtanggol mo ang filipina noong ilagay sa dictionaryo na ang ibig sabihin ng salitang FILIPINA ay DOMESTIC HELPER. Tumatak ito sa aking isipan.
Binabalikan tanaw ko din nung magkita tyo sa isang mall ngunit ako ay hindi nagkaroon ng lakas ng loob na ikaw ay lapitan dahil sa iyong ka simplehan.
Naisip kong ipagdasal ka noong may sakit ka ngunit naisip ko baka ikaw ay pagod na, kaya't naisip ko na ibahin ang dasal. Ipinagdasal ko na kung ano man ang makakapagpaligaya sayo at kung ano pa man ang makakapagpaginhawa sa lahat ng hirap na nadadama mo ay sana makamit mo.
Sayo ko naintindihan ang ibig sabihin ng UNCONDITIONAL LOVE para sa mga anak. Na kahit anong mangyari, hindi man ngayon, darating din ang panahon ay babalik din sila sa kanilang ulirat at maiintindihan kung ano ang dapat na gawin. Ikaw ang laging takbuhan ng iyong mga anak. Sana pagdating ng panahon ang mga anak ko ako rin ang maging takbuhan.
Hindi mo man nakikita kung gaano kalungkot ang mga tao sa pagkawala ko. Alam ko nararamdaman mo kung gaano ka kamahal ng mga ito. Sana magkasama na kayo ng iyong pinakamamahal. Siguro naman sa loob ng bentesais na taon na kayo ay magkahiwalay ay panahon na kayo nman ang magsama...
Wala na akong iba pang masasabi kundi SALAMAT.
Saturday, August 1, 2009
Tita Cory...
Posted by angelaze at 3:00 PM
Labels: Little things, News and current affairs
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment